Pagdiriwang sa Buwan ng Wika 2022 - CKSC

Chiang Kai Shek College | 菲律濱中正學院

College CKS IB Southmont

Progress Through Education

CKS College News

Pagdiriwang sa Buwan ng Wika 2022


Bilang pakikiisa sa Komisyon ng Wikang Filipino sa pagdiriwang ng Buwan ng Wika na may temang “Filipino at mga Katutubong Wika: Kasangkapan sa Pagtuklas at Paglikha,” isinakatuparan ang mga gawain at programa para sa mga mag-aaral at mga guro na may adhikaing tumuklas, lumikha at magmulat, na pinangunahan ng Kagawaran ng Filipino.

Pinasinayaan ang sumusunod na aktibidad sa bawat baitang: Pagkukulay ng Pabalat Aklat ng Iba’t ibang Alamat, at Saya-Wit kung saan ang mga mag-aaral sa unang baitang ay umindak at umawit ng awiting pambata. Pagtatanghal ng Akrostik na “WIKANG FILIPINO” sa ikalawang baitang. Kwentistang Tsinoy sa ikatlong baitang, kung saan ang bata ay nagtanghal ng masining na pagbasa ng mga piling kwentong bayan. Madamdaming Pagtula naman ng Isang Batang Makata sa tulang “Ako’y Wika” at “Isang Magandang Halimbawa” ang ipinakita ng ikaapat na baitang. Kamangha-mangha naman ang interpretasyon ng mga awiting Pilipino ng mga mag-aaral sa ikalimang baitang sa Sing-Galaw. Sinubok ang kasanayan sa Pananaliksik ng mga Hiram na Salita sa ikaanim na baitang sa gawaing Ambag-Salita. Kasama rito ang Disenyong Pangmukha na nagpamalas ng pagiging malikhain sa pagdidisenyo ng face mask na iniakma sa tema ng Buwan ng Wika ng mga mag-aaral ng ikalawa hanggang ikaanim na baitang.

Samantala, ibinahagi naman ng mga piling guro ang kanilang bidyo ng natatanging kaalaman sa mga wikang katutubo sa WIKAALAMAN na ipinanood sa klase. Ipinakita nitong tunay na kakaiba at dinamiko ang wikang Filipino saanmang sulok ng bansa.

Sa kabilang banda, naging makulay ang araw ng kulminasyon na ginanap mula ika-24 hanggang ika-26 ng Agosto. Ang mga mag-aaral at mga guro ay nagsuot ng mga Kasuotang Pilipino. Pinarangalan at ginawaran ng sertipiko ang mga natatanging mag-aaral sa mga aktibidad na una nang nabanggit.

Nakibahagi rin sa pagdiriwang ang lahat ng guro sa pamamagitan ng pakikilahok sa pangkatang pagrampa ng natatanging kasuotan, pagsagot sa mga bugtong, at pagdurugtong ng liriko ng awiting Pilipino sa Sing Mo’To kasama ang mga guro ng Junior High School. Ipinamalas din ang talento ng mga guro sa mga natatanging presentasyon ng awiting “Dahil Sa’yo” at katutubong sayaw na “La Estudiantina”.

Bilang pagtatapos, pinarangalan ang mga gurong nagwagi sa bawat aktibidad at pinasalamatan ang lahat ng mga bumuo, sumuporta, at nakilahok sa programa. Masasabing isang tagumpay ang ginanap na pagdiriwang na bumuhay sa sariling pagkakakilanlan nating mga Pilipino.

Mabuhay ang wika sa ating bansa. Wikang Filipino, Wikang Malaya.

The Grade School Filipino Department spearheaded the Buwan ng Wika celebration last August 26, with the theme "Filipino at mga Katutubong Wika: Kasangkapan sa Pagtuklas at Paglikha.

The activities and programs for teachers and students fulfilled the celebration's goals of fostering discovery, innovation, and information sharing. The activities were inaugurated per grade level, such as: "Pagkukulay ng Pabalat Aklat ng Iba’t ibang Alamat" and "Saya-Wit" wherein the 1st graders danced and sang songs; Presentation of "WIKANG FILIPINO" in Akrostik for the 2nd graders; "Kwentistang Tsinoy: Masining na Pagbasa ng mga Piling Kwentong Bayan" for the 3rd graders; "Madamdaming Pagtula ng Isang Batang Makata of the poems "Ako’y Wika" and "Isang Magandang Halimbawa" for the 4th graders; "SING-GALAW: Interpretasyon ng mga Awiting Pilipino" for grade five students; "Ambag-Salita: Pananaliksik ng mga Hiram na Salita" for the 6th graders; and "Disenyong Panakip Mukha" for the 2nd graders to the 6th graders.

In addition, the culmination that occurred from August 24 to August 26 was a huge success. The students wore costumes that showcased Filipino culture. Students were given a certificate of acknowledgment to recognize their noteworthy performance tasks.

Furthermore, some teachers demonstrated their understanding of their own indigenous languages through the presentation of "WIKAALAMAN" to the classes.

Faculty members participated in the Buwan ng Wika program by displaying their traditional Filipino costumes, answering Filipino riddles, "bugtong," and singing the correct lyrics of Filipino songs in "Sing Mo'To" together with the Junior High School Faculty. Selected teachers performed a song titled "Dahil Sa'yo" and a traditional dance titled "La Estudiantina."

The event concluded with accolades given to the teachers who won in the various activities, as well as those who supported, helped, and participated in the program. It was extremely beneficial in enlightening and increasing awareness of our rich culture and language.

Mabuhay ang wika sa ating bansa. Wikang Filipino, Wikang Malaya!

Announcements

Apr 10

Schedule of AY 2024-2025 Term 3 Examination

Read more...

See more

Student Life

Street View

CCTV Image

* Image refreshes every 10 seconds.

Downloadable Forms