APSSAM Tagisan ng Talento, CKSC Di-Nagpatalo! - CKSC

Chiang Kai Shek College | 菲律濱中正學院

CKS College (中正大學)

Progress Through Education

sinema filmleri izle - maçları izle - tesisat

APSSAM Tagisan ng Talento, CKSC Di-Nagpatalo!


Nakamit ng Kolehiyo ng Chiang Kai Shek ang ikalawang karangalan sa inilunsad na Dagliang Talumpati (Extemporaneous Speaking) mula sa 19 na paaralang lumahok sa Maynila sa pangunguna ng The Association of Private Secondary Schools Administrators Manila (APSSAM). Naging kinatawan ng CKSC si John Bengemin Uy mula sa ikaapat na taon ng kasalukuyang taon, sa ilalim ng pagsasanay ng Tagapag-ugnay ng Kagawaran ng Filipino na si Gng. Ruth Ocampo-Gabiane. Tatlong bagay ang kinaharap ni Uy sa nasabing patimpalak bago niya nakamit ang tagumpay– ang matalinong pagsagot sa isang biglaang tanong, ang kahusayan sa paggamit ng wikang Filipino, at ang pagharap sa maraming tao taglay ang tiwala sa sarili.

Kabilang sa ilang paaralang lumahok ay ang Bethel High School, Holy Child Catholic School, Hope Christian High School, Immaculate Conception Academy Manila, Jesus is Lord Christian School Foundation, Malate Catholic School, Manila Cathedral School, Paco Catholic School, Philippine Academy of Sakya, Philippine Cultural College, Regina Apostolerum Academy, St. John the Baptist Academy, St. Paul School Tondo, St. Peter the Apostle School, Philippine Tiong Se Academy, at iba pa.

Humataw rin ang CKSC sa isinagawang Interpretatibong Sayaw (Interpretative Dance) nang makamit ang unang gantimpala sa pamamagitan ng mga piling mag-aaral sa Ikaapat na taon. Kahanga-hanga ang ipinamalas nilang kahusayan laban sa 22 pribadong paaralang lumahok. Ang buong konsepto at routine ng sayaw ay naisagawa dahil na rin sa husay ng isang dating mag-aaral ng CKSC na ngayon ay Choreographer ng Chinese Dance Troupe ng paaralan, si G. Marvin Ng. Naging tagapamahala ng pangkat ang mga guro ng Kagawaran ng Filipino na sina Bb. Abegail Brual at Bb. Irene Lagunsad.

Nagkamit ang mga kalahok ng tropeo, mga medalya at sertipiko bilang gantimpala.

Minsan pang napatunayan ng CKSC na mayaman ang paaralan sa mga talento hindi lamang ng mga gurong tagapagsanay, kundi lalung-lalo na ng mga mag-aaral na nagsisipag-aral dito.

 

Announcements

Apr 8

POLICIES STARTING SCHOOL YEAR 2019-2020 REGARDING LOCKERS, LUNCH TABLES, AND FOOD DROP-OFF

Read more...

See more

GRADE SCHOOL &
JUNIOR HIGH SCHOOL

6-DAY LEARNING CYCLE
小學,初中 「六日學習單元週期」

 April 2 (Mon)
 4月2日 (星期一)  

 Day 1
 

 April 3 (Tue)
 4月3
 (星期)

 Day 2
 

 April 4 (Wed)
 4月4日 (星期)

 Day 3
 

 Mar 22 (Thurs)
 3月22
日 (星期)

 Day 3
 

 Mar 23 (Fri)
 3月23日 (星期)

 Day 4
 

Student Life

Street View

CCTV Image

* Image refreshes every 10 seconds.

School Calendar

Downloadable Forms